Thursday, January 12, 2017

Persia














                 Ang mga Persian ay nagtatag ng isang malawak na imperyo at tinawag nila itong imperyong Achaemenid. Nagsimulang manakop ang mga Persian sa panahon ni Cyrus The Great (559 B.C.E – 530 B.C.E.) at napasailalim sa kanila ang Medes at Chaldean sa Mesopotamia at Asia Minor (Turkey). Hinati ang mga imperyo sa mga lalawigan o satrapy at pinamahalaan ng gobernador o satrap.

Panitikan

      Ang epikong Shahaname ay nagmula sa bansang Iran sa gitnang silangan. Isinulat ito ni Ferdowsi nang 35 na taon at natapos nang 1010 AD. Sa totoo lang hindi Iran ang tawag dito dati kundi Persia. Noong mga taon na isinusulat ito ni Ferdowsi, masmalawak ang Persia kaya madami at iba't iba ang kultura na naka-apekto sa epikong ito. 

      Kahit isinulat ang epikong Shahaname, may mga taong gumamit ng paraan nang pagkukwento sa pagpasa nito sa ibang tao. Ang epikong ito ay naging tanyag kaagad at kumalat sa mundo. Ang Shahaname ay nasasabing tula na ginawa ni Ferdowsi. At ang mga tula sa Persia ay hindi mahirap na ikonekta sa mga musika. Para sa ibang tao, ginagawa nilang pang-aliw ang Shahaname sa pagkwento na may kasamang pagkanta. 

 
     Ngayon, ang epikong tula na Shahaname ay isang pambansang epiko ng Persia. Ang mga bansang Iran, Afghanistan, Georgia, Armenia, Turkey at Dagestan ay ipinagdidiwang ang pambansang epikong ito. Nakatulong ang epikong ito sa mga tagasuporta ng relihiyong Zoroastrianism, dahil may mga laman ito tungkol sa huling pinuno ng Sassanid ng Persia